Home METRO Patay sa Davao floods, landslides 21 na – disaster officials

Patay sa Davao floods, landslides 21 na – disaster officials

MANILA, Philippines- Umakyat na sa 21 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa sa Davao Region, ayon sa provincial disaster risk reduction and management offices (PDRRMOs) nitong Martes.

Sa isang press conference, sinabi ng Davao de Oro PDRRMO na patay ang 13 indibidwal habang siyam ang sugatan sa lalawigan.

Dalawa naman ang nawawala sa Davao de Oro, anito.

Sa Davao del Norte, walong fatalities ang naiulat, ayon sa PDRRMO. Anim sa mga nasawi sa Davao del Norte ay mula saKapalong, isa sa Santo Tomas, at isa sa Asuncion.

Isa ang nawawala sa lalawigan.

Batay sa pinakabagong ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), lampas 1 milyon na ang mga apektadong indibidwal sa Northeast Monsoon o Amihan at sa trough ng isang low pressure area. RNT/SA

Previous articleBrownlee dumating na sa Manila, lalaro na sa Gilas
Next articleTulfo sinopla ni Galvez sa Senate hearing: ‘Hindi kami corrupt’