Home NATIONWIDE Patay sa Japan quake, tumaas sa 73

Patay sa Japan quake, tumaas sa 73

JAPAN – Umakyat sa 73 katao ang nasawi sa magnitude 7.5 na lindol na tumama sa Ishikawa Prefecture sa Japan noong Enero 1.

Daan-daang mga tirahan at gusali ang napinsala, partikular na sa Noto Peninsula na pinakanapuruhan ng lindol.

Ayon sa municipal mayor na si Masuhiro Izumiya sa Suzu, halos wala nang tirahan ang nakatayo sa lugar.

“About 90 percent of the houses (in that town) are completely or almost completely destroyed… the situation is really catastrophic,” sinabi pa ng alkalde.

Maliban sa 73 kataong nasawi, iniulat ng regional government na mayroong 400 ang nasaktan. Inaasahang tataas pa ang death toll kasabay ng patuloy na paghahanap ng mga rescuer sa mga natabunan sa mga guho.

Sa kasalukuyan ay may mahigit 33,400 katao ang nananatili sa shelter at 200 gusali ang gumuho sa lindol.

“More than 40 hours have passed since the disaster. We have received a lot of information about people in need of rescue and there are people waiting for help,” pahayag ni Prime Minister Fumio Kishida matapos ang isang emergency task force meeting. RNT/JGC