Home HOME BANNER STORY Patay sa Maco landslide, 35 na

Patay sa Maco landslide, 35 na

MANILA, Philippines – Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa landslide sa Maco, Davao de Oro.

Sa ulat nitong Sabado, Pebrero 10, umakyat na sa 35 ang death toll sa naturang landslide.

Ayon kay Edward Macapili, Executive Assistant for Communications and Public Information ng Davao de Oro LGU, nasa 30 hanggang 50 metro ang nagpatong-patong na lupa sa “ground zero.”

Narekober ang mga bangkay sa lalim na 40 hanggang 20 metro.

Dinala na sa incident command post ang bangkay upang isailalim sa post-mortem examination.

Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang 77 katao na nawawala.

Samantala, pansamantalang naantala ang search and rescue operations matapos ang magnitude 5.8 na lindol na tumama sa Agusan del Norte at Agusan del Sur.

Umaasa naman ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na makahanap pa ng mas maraming survivor dahil sa mas maraming tao na lumahok sa paghahanap.

“Yesterday, we were still able to respond and rescue yung bata dun sa rubble. So, we are still hoping a lot of people are still alive,” ayon kay PDRRMO head Joseph Randy Loy. RNT/JGC

Previous articleAmihan magpapaulan sa Luzon
Next articleComelec magdaraos ng voter education seminar sa buong bansa