Home NATIONWIDE Comelec magdaraos ng voter education seminar sa buong bansa

Comelec magdaraos ng voter education seminar sa buong bansa

MANILA, Philippines – Magsasagawa ang Commission on Elections (Comelec) ng voter education seminars sa buong bansa kasabay ng voter registration period sa Pebrero 12 hanggang Setyembre 30.

Sa isang pahayag, sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na nilalayon ng seminars na turuan ang kahalagahan ng pagpaparehistro at tulungan ang mga botante na maunawaan ang kanilang mga karapatan at responsibilidad.

Ayon kay Laudiangco, magsasagawa ng Voter Education at Registration Fair sa lahat ng 17 rehiyon sa buong bansa sa buong voter registration period at isasagawa ang voter registration and information seminar nang sabay sa parehong mga venue na may satellite at mall registration.

Sa Metro Manila, gagawin ang seminar sa Pasay City at Quezon City.

Sa Luzon, idaraos naman ang seminar sa Abra at Baguio City para sa Cordillera Administrative Region; Ilocos Norte at Pangasinan para sa Ilocos region, Cagayan at Isabela para sa Cagayan Valley; Bulacan at Pampanga para sa Central Luzon; Batangas at Quezon province para sa Calabarzon; Palawan para sa Mimaropa; at Albay at Camarines Sur para sa Bicol region.

Sa Visayas, isasagawa ang seminar sa Iloilo at Negros Occidental para sa Western Visayas; Cebu para sa Central Visayas at Leyte para sa Eastern Visayas.

Samantala, ang mga lugar na host sa aktibidad ay Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur para sa Zamboanga Peninsula; Misamis Oriental para sa Northern Minadanao; Davao City at Tagum City para sa Davao Region; Sultan Kudarat at Cotabato para sa Soccsksargen; at Lanao del Sur at Basilan para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePatay sa Maco landslide, 35 na
Next articleDavao de Oro PDRRMO umaasa ng mas marami pang survivor sa Davao landslide