Home NATIONWIDE Electronic invoicing ng imported goods ikinasa ng PH gov’t

Electronic invoicing ng imported goods ikinasa ng PH gov’t

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang implemetasyon ng digital and integrated pre-border technical verification at cross-border electronic invoicing sa lahat ng imported commodities.

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ipinalabas ni Marcos ang Administrative Order (AO) No. 23 noong May 13 na nag-aatas na inspeksyunin lahat ng imported goods na pumapasok sa bansa at palakasin ang national security, protektahan ang mga karapatan ng consumers, at ingatan ang kapaligiran laban sa sub-standard at dangerous imported goods.

“A single electronic invoicing system controlled by the Philippine Government is necessary to effectively monitor international trade transactions of all imported goods,” saad sa AO.

Ipinag-utos din ng AO ng paglikha ng Committee for Pre-border Technical Verification and Cross-border Electronic Invoicing, sa pamumuno ng Secretary of Finance bilang chairperson, kasama ang mga Kalihim ng Agriculture, Trade, Energy, Health, Environment and Natural Resources, at Information Communications Technology bilang mga miyembro.

Kabilang din sa iba pang committee members ang Bureau of Customs (BOC) commissioner, Director General of Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at dalawang non-voting representatives mula sa kinikilalang industry associations na itatalaga ng chairperson alinsunod sa rekomendasyon ng komite.

Tungkulin ng BOC, bilang pangunahing government entity na responsable sa pagpapairal ng customs procedures, ang implementasyon ng electronic invoicing system alinsunod sa strategic direction at policy guidance, international trade standards, at umiiral na batas at regulasyon sa bansa. RNT/SA