MANILA, Philippines- Idineklara ng Malacañang ang Mayo 21 bilang special non-working day sa Malabon City para sa ika-425 founding anniversary nito.
Batay sa kautusang nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nilalayon ng idineklarang holiday na makalahok ang mga mamamayan ng Malabon sa mga aktibidad para sa pagdiriwang.
Sa special non-working day, papasok pa rin ang ilang empleyado kabilang ang mga nasa pamahalaan.
Nauna nang inihayag ng Department of Labor and Employment na ang mga empleyadong papasok kapag special non-working day ay kailangang bayaran ng karagdagang 30% ng kanilang basic wage para sa unang walong oras ng kanilang pagtatrabaho. RNT/SA