Home HOME BANNER STORY Davao de Oro PDRRMO umaasa ng mas marami pang survivor sa Davao...

Davao de Oro PDRRMO umaasa ng mas marami pang survivor sa Davao landslide

MANILA, Philippines – Umaasa pa ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Davao de Oro na mas marami pang survivor ang makukuha mula sa landslide sa Maco, kasunod ng pagkakasagip ng buhay sa tatlong-anyos na babae nitong Biyernes, Pebrero 9.

“Yesterday we were still able to respond and rescue yung bata dun sa rubble. So, we are still hoping a lot of people are still alive,” ayon kay PDRRMO head Joseph Randy Loy sa briefing nitong Sabado.

Nauna rito, sinabi ng Communications and Public Information office na pinalawig pa ng 48 oras ang search and rescue operation.

“After 48 hours we still consider it search, rescue, and retrieval because at this point in time there were concerns in the area na kailangang nating i-consider,” paliwanag ni Loy.

“It’s dealing more on saving more lives, anticipating na marami pang buhay dun sa area and being able to respond to them and bring them to the nearest hospitals,” dagdag niya.

Matatandaan na nalibing sa lupa ang mga tirahan, kabilang ang tatlong bus, at jeep sa landslide na naganap noong Martes ng gabi.

Ani Loy, ang tsansa na makakuha pa ng mas maraming survivor ay nakadepende sa uri ng sitwasyon na nararanasan ng mga nalibing.

“Chances of survival we cannot really guarantee. There are these so-called “pockets” within these rubbles that will allow them to breathe,” aniya.

“As to the extent of how long this oxygen will be able to supply them, depende kasi sa sitwasyon na andun na nasa ilalim.”

Sa huling ulat, umabot na sa 27 ang bilang ng mga nasawi sa landslide na tumama sa Maco, Davao de Oro.

Samantala, 32 katao naman ang nasaktan at 89 pa ang nawawala. RNT/JGC

Previous articleComelec magdaraos ng voter education seminar sa buong bansa
Next articleCessna aircraft nag-crash landing sa Bulacan, 2 pasahero ligtas – CAAP