Home NATIONWIDE Cessna aircraft nag-crash landing sa Bulacan, 2 pasahero ligtas – CAAP

Cessna aircraft nag-crash landing sa Bulacan, 2 pasahero ligtas – CAAP

MANILA, Philippines – Nag-crash land ang isang Cessna C152 aircraft sa Malolos, Bulacan nitong Sabado, Pebrero 10, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ang eroplano na operated ng Fliteline Aviation, ay lumapag sa palayan sa Malolos alas-2:15 ng hapon.

Nakatanggap ang CAAP ng ulat tungkol sa insidente mula sa kanilang Plaridel Tower.

Batay sa inisyal na ulat, ang eroplano ay may registry number na RP-C2673 na nasa isang touch-go training flight na may rutang Plaridel hanggang Subic at pabalik ng Plaridel.

Idinagdag pa ng CAAP na isinagawa ang emergency landing procedure dahil sa pagpalya ng makina.

“The pilot and student pilot onboard have been reported as safe and alive following the emergency landing,” sinabi ng ahensya.

Nagpapatuloy na ang imbestigasyon at inalerto na rin sa insidente ang Operations Center and the Aeronautical Rescue Coordination Center (PARCC) ng CAAP.

Ipinadala na rin sa crash site ang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board para magsagawa ng imbestigasyon. RNT/JGC