Home NATIONWIDE Tsina dedma sa wiretapping allegations

Tsina dedma sa wiretapping allegations

MANILA, Philippines- Ipinagsawalang-bahala ng China ang aksyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na imbestigahan ang ulat ng umano’y ilegal na aktibidad ng foreign diplomats sa bansa sa gitna ng wiretapping allegations na ibinabato sa Chinese embassy sa Manila.

Inakusahan ng Department of National Defense (DND), National Security Council (NSC) at ilang mambabatas ang China ng wiretapping nang i-record nito ang umano’y phone call sa pagitan ng isang Chinese diplomat at Philippine military official at ilabas ito sa media.

Nang hingan ng komento ukol sa aksyon ng DFA, sa halip ay sinabi ni Wang Wenbin, spokesman ng China’s Foreign Ministry, na “the information released by the Chinese Embassy in Manila is factual.”

“Whether it’s the ‘gentlemen’s agreement,’ or the internal understandings, or the ‘new model’ on properly managing the situation in the South China Sea, they all have clear timelines and are supported by solid evidence,” giit ni Wang sa isang press conference nitong Huwebes.

“No one can deny their existence,” dagdag niya.

Iginiit ni Wang na ang “persistent denial and breach of commitment” at ang umano’y patuloy na pagsisi sa China—na nagsasagawa ng agresibong aksyon sa katubigan ng Pilipinas– “shows exactly who is acting in bad faith.” RNT/SA