Home NATIONWIDE Amihan magpapaulan sa Luzon

Amihan magpapaulan sa Luzon

MANILA, Philippines – Magdadala ng mahihinang pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ang northeast monsoon o amihan.

Ayon sa PAGASA, mararanasan ang maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Batanes, Cagayan, Kalinga, Apayao, Isabela, Aurora, Quezon, Metro Manila, at nalalabing bahagi ng Luzon.

Ang Bicol Region naman ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa easterlies.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm dahil sa easterlies at localized thunderstorm. RNT/JGC