Home NATIONWIDE Patay sa Taiwan quake, 13 na

Patay sa Taiwan quake, 13 na

TAIWAN – Umakyat na sa 13 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.2 na lindol na tumama sa Taiwan noong Miyerkules, Abril 3.

Kasabay nito ay nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operations para sa anim katao na nawawala sa eastern county ng Hualien.

Ito ang maituturing na pinakamalakas na lindol na tumama mula pa noong 1999.

Ang pagtaas ng death toll ay dahil sa pagkakadiskubre ng tatlong katawan sa nakalipas na dalawang araw sa trail ng isang national park.

Samantala, sa pinakahuling statement ng mga awtoridad ay mayroong mahigit 1,100 katao ang sugatan. Daan-daang katao ang tumutuloy sa mga shelter sa Tianxiang area sa Taroko National Park. RNT/JGC