Home OPINION PATI MGA BATA TUWANG-TUWA SA TAGUMPAY SA DIGMAAN

PATI MGA BATA TUWANG-TUWA SA TAGUMPAY SA DIGMAAN

150
0

ISANG pamilya ang nag-video ng isang ama at maliit niyang anak na babae na lumaban sa mga helikopter at eroplanong Amerikano na nagligtas ng isang pilotong Amerikano makaraang pabagsakin ng Iran ang kanyang F-15 fighter jet.

Ang ama, hawak lamang ang isang lumang ripleng baril, ay lumaban sa mga Black Hawk helicopter at fighter jet na umiikot sa lugar.

Nang bumagsak ang isang Black Hawk, nakitang walang pagsidlan ng tuwa at naglulundag ang bata na tila 10 taon lamang.

Ininterbyu sila ng media makaraan ang labanan na ikinabagsak ng dalawang Blackhawk at ikinasabog ng isang C-130 na gawa mismo ng mga Kano dahil pumalya ito at hindi na makaalis sa lugar.

At kitang-kita ang pagiging matapang ng bata laban sa mga anila’y mananakop at kung pumatay ng mga Iranian ay gayon na lang.

Siguro nasa isipan ng bata ang nasa 147 kaedad niyang namatay sa isang eskwelahan na binomba ng mga Amerikano at Israelita noong Pebrero 28, 2026 na simula ng digmaan.

Kung iisipin, ganyan, pami-pamilya, tribu-tribu na tapat sa Islamic Republic ang kabilang sa mga makakalaban ng mga pwersang Amerikano na nagsimula na umanong lumusong sa ground invasion laban sa Iran.

Hindi lang isang milyon sundalo o paramilitary na Iranian kundi 10 milyong sibilyan umano ang handang sumagupa sa mga Amerikano.

Kailangan umano ni President Donald Trump ang ground invasion upang ganap nitong mahawakan ang gobyerno ng Iran at, higit pa, mahawakan ang yamang langis nito para pagkakitaan.

Para mangyari ito, kailangang masakop nito ang Kharg Island na roon ang 90% ng langis ng Iran ang ikinakarga sa mga oil tanker para ibenta sa ibang bansa, kabilang na ang Pilipinas, at ang Strait of Hormuz na pasukan at labasan ng mga oil tanker.

Pinapanday ng giyera ang pagiging tunay na makabayan kahit ang isang musmos na batang babae.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here