Manila, Philippines – Burado na ang komento ni umano’y Miss Universe 1969 na si Gloria Diaz sa social media.
May dalawang linggo nang nasa social media ang umano’y patutsada ng aktres laban kay Philip Salvador.
Pero nakuhang i-screen shot ito ng mga netizens na ngayon nga’y all over social media.
Ang komento ni Gloria reads: “‘Yung anak mo, padalhan mo ng pera!”
Wala mang binanggit na pangalan, sure ang mga netizens na si Joshua ang tinutukoy na anak ni Gloria.
Si Joshua ay ang anak ng beteranong aktor kay Kris Aquino.
Initially, duda ang ilang netizens kung galing nga kay Gloria ang comment.
Reaksyon umano ‘yon ni Gloria sa talumpati ni Ipe na tumatakbong senador.
Hinihiling kasi nito na: “Bring him home!” ang kanyang point of reference.
Ito’y walang iba kundi si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nilllitis ngayon sa ICC sa The Hague kaugnay ng crimes against humanity na kinakaharap nito.
In fairness though to lpe involving Joshua, mismong si Ogie Diaz ang nagsabing nakausap niya ito months ago.
Ayon sa aktor, miss na miss na nga raw niya ang anak.
Sinosolo raw kasi ni Kris ang pagpapalaki sa kanyang dalawang anak, the other being Bimby sired by James Yap.
As for Kris, hanga raw ito kay lpe na never siyang siniraan o ginulo.
Mataas din daw ang respeto ng aktor sa kanyang pamilya.