Home METRO P5M droga nasabat sa inabandonang parcel sa Manila port

P5M droga nasabat sa inabandonang parcel sa Manila port

MANILA, Philippines- Nasabat ng Philippine Drugs Enforcement Agency Seaport Interdiction Unit, Bureau of Customs Anti-Illegal Drugs Task Force, at Philippine Postal Corporation ang 984 grams ng hinihinalang iligal na droga na nagkakahalaga ng P4,920,000 sa mga abandonadong parcel sa Port of Manila nitong Lunes, Abril 14.

Ang mga parcel, na ipinadala mula Hamburg, Germany, ay idineklara bilang mga kendi. Isinasagawa pa ang imbestigasyon sa shipper at receiver at posibleng magsampa ng kaso laban sa kanila ayon sa RA 9165. Ang mga nakumpiskang droga ay ipapasa sa PDEA Laboratory Service para sa pagsusuri. Danny Querubin