Home NATIONWIDE Pasok sa SC work-from-home, half day sa Miyerkoles Santo

Pasok sa SC work-from-home, half day sa Miyerkoles Santo

MANILA, Philippines – Sinuspinde na ng Korte Suprema ang pasok ng lahat ng kawani nito sa Miyerkoles Santo bilang bahagi ng paggunita sa Semana Santa.

Sa kautusan ni Chief Justice Alexander Gesmundo, isinailalim sa work-from-home (WFH) arrangement ang mga empleyado mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Simula alas-dose ng tanghali, wala nang pasok sa lahat ng tanggapan ng korte.

Gayunman, inatasan ang pagpapatupad ng skeletal force sa ilang piling dibisyon tulad ng Docket Receiving Section ng Judicial Records Office, Cash Collection and Disbursement Division, at Financial Management and Budget Office upang masigurong tuloy ang mahahalagang operasyon.

Layunin ng hakbang na ito na bigyang pagkakataon ang mga kawani ng Korte Suprema na makapagpahinga, magnilay, at makauwi sa kanilang mga lalawigan para sa Semana Santa.(Teresa Tavares)