Home ENTERTAINMENT Pauleen, pinayuhan ng ina sa Vic-Darryl isyu!

Pauleen, pinayuhan ng ina sa Vic-Darryl isyu!

Manila, Philippines- Mismong ang mga magulang na ni Pauleen Luna most especially

Mommy Chat ang nagpapayo sa anak na huwag nang patulan ang isyung kinakaharap ng mister nitong si Vic Sotto.

Hangga’t maaari nga raw ay iwasan sana ni Pauleen na mag-post ng kung anu-ano sa social media.

Buo naman daw kasi ang paniniwala ni Mommy Chat na gawa-gawa lang ang matagal nang kuwentong sangkot si Bossing sa panggagahasa kay Pepsi Paloma many years ago.

Ang yumaong optometrist na dati ring nagsilbing barangay captain sa Quiapo ang manager noon ng mga tinaguriang Softdrink beauties.

Pepsi was one of them.

To further prove her point, sinabi pa ni Mommy Chat na kilala raw niya ang karakas ni Dr. Rey dela Cruz.

Gimik lang umano ni Rey ang rape issue sa alaga.

Ani Mommy Chat, kilala raw niya si Rey bilang utang nang utang umano sa kanyang ina.

Kumbaga, walang magandang imaheng naiwan si Rey sa showbiz hanggang sa pumanaw ito.

Pero higit daw sa lahat ay kilala niya ang pinakasalan ng kanyang anak, si Bossing nga.

Inilatag nga raw nitong parang cards on the table ang kanyang nakaraan, walang in-edit out.

Ang mas naaawa raw si Mommy Chat ay sa mga apo niyang sina Tali at Mochi na walang kamuwang-muwang.

Paniniyak pa ni Mommy Chat, sila raw mag-asawa ay nasa likod ng kanilang manugang.

Whatever happens at kahit saan pa makarating ang kaso na ngayon ay nasa korte na. Ronnie Carrasco III