Home ENTERTAINMENT Paulo, damay sa away nina Kim at Lakam!

Paulo, damay sa away nina Kim at Lakam!

267
0

Manila, Philippines- Isang napakalaking palaisipan para sa mga fans ni Paulo Avelino kung bakit nadadamay ang aktor sa isyu ng Chiu sisters.

Kalat na ang ugat ng sibling rivalry sa pagitan nina Kim at Lakam ay perang ninegosyo ng aktres.

Balitang depleted o nasaid ang financial resources ni Kim gayong ang namamahala nito’y ate niya na lubos niyang pinagkatiwalaan.

May ilan ang nagsasabing nagugumon umano si Lakam sa sugal.

‘Yun nga lang, balita ring neither Kim nor Lakam is willing to talk about the issue.

Ang ‘di lang maunawaan ng mga fans ay ang pagkaka-implicate kay Paulo.

Buhat daw kasing maging close si Kim at si Paulo ay nagbago ang ugali ng aktres.

Ito’y to the point that Kim relies so much on the actor.

Feeling ng ilang malalapit sa mga Chius, may kinalaman umano ‘yon sa panunulsol ni Paulo kay Kim on matters involving her business.

Now, if both Kim and Lakam refuse to talk ay posible kayang si Paulo ang magsalita to clear his name?

Sa akusasyon kasi ng panunulsol, aba, higit pa sa magnobyo ang galawan nila!

Sige, Paulo…prove them wrong! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here