Home HOME BANNER STORY ‘Pay-for-position’ scheme sa DepEd, buking

‘Pay-for-position’ scheme sa DepEd, buking

MANILA, Philippines – Pinalalakas ng Department of Education (DepEd) ang kampanya kontra sa “pay-for-position” o pagbili ng puwesto.

Sa isang pahayag, iginiit ng DepEd na lahat ng appointment at promosyon ay dapat nakabatay lamang sa merito at kakayahan.

“Ang mga posisyon sa DepEd ay pinaghihirapan, at hindi binibili,” ayon sa ahensya.

Nagbabala ang DepEd na ang pagbibigay o pagtanggap ng pera kapalit ng trabaho o promosyon ay isang mabigat na paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019) na may katumbas na parusang administratibo, sibil, at kriminal.

Hinikayat ng ahensya ang mga nabiktima o may nalalamang kaso na agad itong i-report sa DepEd, NBI, o PNP. Tiniyak din na mananatiling kumpidensyal ang mga ulat at protektado ang mga whistleblower.

“Hindi ko pahihintulutan ang anumang uri ng katiwalian sa DepEd,” ani Education Secretary Sonny Angara. “Dapat tayo ay may kakayahan, integridad, at tunay na malasakit sa Kabataang Pilipino.” Santi Celario