Home NATIONWIDE Subic-Clark-Manila-Batangas Railway, itatayo

Subic-Clark-Manila-Batangas Railway, itatayo

MANILA, Philippines – Lumagda ang Estados Unidos at Pilipinas sa isang kasunduan noong Hunyo 26 para sa pondong teknikal sa pagpapaunlad ng Subic-Clark-Manila-Batangas (SCMB) Railway.

Magbibigay ang USTDA ng tulong sa pamamagitan ng transport modeling, pag-aaral ng port-rail integration, at pagsusuri ng legal na balangkas.

Ayon kay USTDA Acting Director Thomas Hardy, pinatutunayan ng proyektong ito ang matibay na ugnayan ng US at Pilipinas sa pagsusulong ng malaya at bukas na Indo-Pacific region at paglago ng ekonomiya.

“This project underscores the US-Philippine alliance’s vital role in maintaining a free and open Indo-Pacific region. By supporting the development of the SCMB Railway, we are ensuring that key infrastructure will flourish, increasing economic cooperation to develop an essential trading route that will mutually benefit American and Philippine citizens,” ani Hardy.

Sinabi naman ni DOTr Secretary Vince Dizon, layunin ng freight railway na mapaluwag ang Manila Port at pag-ugnayin ito sa mga daungan ng Subic Bay at Batangas.

Bahagi rin ito ng Luzon Economic Corridor na layong palakasin ang kalakalan, pumasok ang mga mamumuhunan, at makalikha ng dekalidad na trabaho. RNT