Home NATIONWIDE Pay rules para sa June 2025 holidays inilatag ng DOLE

Pay rules para sa June 2025 holidays inilatag ng DOLE

308
0

MANILA, Philippines- Naglabas ng alituntunin sa pagbabayad ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga mangaggawa na papasok sa duty sa Eid’l Adha at Independence Day.

Ayon sa Labor Advisory 8 s. 2025, ang mga sumusunod na payment pay rules ay dapat ilapat para sa June 6 (Eid’l Adha) at June 12 (independence day) na itinuturing na regular holidays:

  • Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho, ang employer ay dapat magbayad ng 100% ng sahod ng empleyado para sa nasabing araw, sa kondisyon na ang empleyado ay mag-uulat sa trabaho o nasa leave of absence na may bayad sa araw bago ang regular holiday.

  • Kung ang araw bago ang regular holiday ay isang araw na walang pasok sa establisimyento o ang nakatakdang araw ng pahinga ng empleyado, siya ay may karapatan sa holiday pay kung ang empleyado ay mag-uulat sa trabaho o nasa leave of absence na may bayad sa araw na kaagad bago ang araw na hindi nagtatrabaho o araw ng pahinga (Basic wage x 100%)

  • Para sa trabaho na ginawa sa panahon ng regular holiday, ang employer ay dapat magbayad ng kabuuang 200% ng sahod ng manggagawa para sa nasabing araw para sa unang walong ora (basic wage x 200%).

  • Para sa trabahong ginawa nang lampas sa walong oras, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 30% ng hourly rate sa nasabing araw (hourly rate ng pangunahing sahod x 200% x 130% x bilang ng oras na nagtrabaho)

  • Para sa trabahong ginawa sa panahon ng regular holiday na pumapatak din sa araw ng pahinga ng empleyado, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 30% ng basic wage na 200% (Basic wage x 200% x 130%)

  • Para sa trabaho na lumampas sa walong oras sa panahon ng regular holiday na pumatak din sa pahinga ng empleyado, ang employer ay dapat magbayad ng karagdagang 30% ng hourly rate ng nasabing araw (Hourly rate ng basic wage x 200% x 130% x 130% x bilang ng oras na nagtrabaho)

Ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang mahalagang holidays sa Muslim calendar, ang isa ay Eid’l Fitr na nagmamarka ng pagtatapos ng isang buwang holy fasting ng Ramadan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here