Manila, Philippines- History begins with SB19. Yan ang sigaw ng A’tin, SB19 loyal fans sa X (dating Twitter) pagkatapos ng kanilang sold out concert na “SB19 Simula at Wakas World Tour Kickoff” sa Philippine Arena.
Gumawa ng kasayayan ang SB19 sa local concert scene bilang first Filipino act na nagtala ng pinakamaraming benta ng tikets sa Philippine Arena ng dalawang gabi at nagtala ng record with the highest attendance ever.
Ang tinutukoy namin ay ang pinag-uusapan at super succssful na “SB19 Simula at Wakas World Tour Kickoff” concert sa Philippine Arena.
Wala pa raw artist, Pilipino or international man, ang nakapag-two day concert sa Philippine Arena.
Nag-uumalaw ang energy, passion and talent ng SB19 na binubuo nina Stell Ajero, Pablo (Juan Pablo Bagnad Nase), Josh Cullen (Santos), Ken (Felip Jhon Suson) at Justin (de Dios).
Ang sabi kapag sa unang gabi pa lang ay nakapahirap na raw punuin ang mga upuan sa Philippine Arena na umaabot sa 55,000.
Dahil sa laki nito, kahit mga kilalang international artists ay hanggang one night lang kung mag-show sa PA.
Say ng netizen, “So there is this Filipino Boy Group called SB19…” to “The Kings of P-Pop SB19, the first Filipino boy group to hold a sold-out show at the world’s largest indoor arena.”
Napakagaling din ng choreography sa bawat song ng SB19 especially sa kanta nila na ‘Dam,’ ‘Gento’ at ‘Dunka.’
Bukod sa performance ng SB19, pinaiyak din nila ang audience sa madamdamin nilang rendition ng ‘MAPA’ lalo pa’t una nang naging emosyonal si Josh bago pa nila ito kantahin.
For the first time raw kasi ay nakita nya ang kanyang ama after a long time at nanood ng concert nila.
Umiiyak na sabi ni Josh, “Nandito po ang aking Mama. And for the first time nandito ang aking Papa. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ipe-perform amg kantang ito, e (ang ‘MAPA’). Pero dahil po nandito sya (Papa ni Josh) ngayon talagang gusto kong kantahin.
“Hindi ko alam kung nakikinig ka. Kung kayo rin broken family I hope hindi pa huli para sa inyo. Para kahit paano mabuo ang mga missing piece sa buhay nyo. Para po sa lahat ng ating Ma at Pa, para sa inyo po ito.”
After ng ‘SB19 Simula at Wakas World Tour Kickoff,’ iikot na sa iba’t ibang bansa ang grupo. Kaya matagal silang mawawala sa bansa. Julie Bonifacio