MANILA, Philippines – KINUMPIRMA ng Malakanyang ang hindi pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nakatakdang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit ngayong taon.
Sa katunayan, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na itinalaga ni Pangulong Marcos si acting Trade and Industry Secretary Ma. Cristina Aldeguer-Roque bilang Special Envoy sa APEC Economic Leaders’ Week.
Ayon kay PCO Acting Secretary Cesar Chavez, nagdesisyon si Pangulong Marcos na huwag dumalo sa economic summit dahil nais nitong iprayoridad ang domestic concerns kabilang na ang pagtugon ng pamahalaan sa mga kalamidad.
Ang APEC Leaders’ Week ay nakatakda sa Nobyembre 10 hanggang 16 sa Lima, Peru. Kris Jose