Home NATIONWIDE P3.9M ismagel na sigarilyo narekober sa Zamboanga City

P3.9M ismagel na sigarilyo narekober sa Zamboanga City

2
0

MANILA, Philippines – Naharang ng mga awtoridad ang nasa P3.9 milyong halaga ng hinihinalang ismagel na sigarilyo sa Zamboanga City nitong Linggo, Hunyo 7, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa pahayag, sinabi ng PNP na ang smuggled na sigarilyo ay nasa blue minivan na walang plaka, at nadiskubre gabi ng Hunyo 7.

Inabandona ng drayber ang sasakyan matapos matunugan ang presensya ng mga awtoridad.

Sa masusing inspeksyon ng abandonadong sasakyan ay nakita ang kahon-kahon at reams ng mga sigarilyo na pinaniniwalaang ibinyahe nang iligal.

Agad na itinurn-over ang kontrabando at sasakyan sa Bureau of Customs (BOC) Regional Office IX para sa tamang inventory, examination, at legal disposition.

“Patuloy nating pinalalakas ang ating presensya at koordinasyon sa lahat ng operasyon laban sa iligal na aktibidad (We continue to strengthen our presence and coordination in all operations against illegal activities). This is a clear example of how teamwork and alertness can stop unlawful activities before they harm our economy,” sinabi ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr.

Iniimbestigahan na rin ng mga awtoridad ang nasa likod ng kontrabando maging ang grupo sa likod nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here