Home NATIONWIDE PBBM admin binatikos ni VP Sara sa lumobong utang, unemployment

PBBM admin binatikos ni VP Sara sa lumobong utang, unemployment

68
0

MANILA, Philippines – BINATIKOS ni Vice President Sara Duterte ang administrasyong Marcos ukol sa unemployment at tumataas na utang ng bnsa.

Sinabi ni VP Sara na nabigo ang gobyerno na mag-pokus sa pamamahala at sa halip ay walang ginawa kundi mag-react sa mga pambabatikos at political attacks.

Sa pagsasalita sa harap ng mga taga-suporta sa The Hague, Netherlands, araw ng Huwebes, sinagot ni VP Sara ang mga tanong ukol sa utang ng bansa at unemployment situation sa pamamagitan ng paninisi kung saan inilarawan nito ang administrasyon bilang kapos sa pagtuon sa responsibilidad nito.

“As expected, kasi hindi naman nagtatrabaho ‘yung buong administration lalong-lalo na ang Pangulo,” ang sinabi ni VP Sara.

Inihayag naman ito ni VP Sara matapos na ipalabas ng Bureau of the Treasury ang data kung saan makikita na ang outstanding debt ng Pilipinas ay umabot na sa P18.49 trillion, tumaas ng 1.81% mula P18.16 trillion sa pagtatapos ng Pebrero.

Nauna rito, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na may 2.58 million unemployed persons (may edad na 15 at pataas) sa buwan ng Marso, bumaba mula sa 2.66 million noong Pebrero 2026.

Sinabi ni VP Sara na ang mga opisyal ng gobyerno partkular na ang Pangulo ay dapat na mag-pokus sa pamamalakad sa halip na patulan at magpaapekto sa mga kritisismo sa social media.

“Ang dapat na ginagawa mo, tinututukan mo iyong trabaho mo. At kapag hindi mo tinutukan iyong trabaho mo, ganyan ‘yung nangyayari. Tumataas ang unemployment, nangungutang tayo ng nangungutan,” ayon kay VP Sara.

Ang resbak naman ng Malakanyang, minana ng kasalukuyang administrasyon ang malaking utang ng nakalipad na administrasyon, administrasyon ni dating Paulong Rodrigo Roa Duterte.

“Kung meron tayong mga pagkakautang, ito ay normal naman sa ibang bansa para maibigay na tulong sa ating mga kababayan,” ang sinabi ni Palace Press Officer Undersecrtary Claire Castro sa mga mamamahayag sa isang ambush interview sa Cebu.

“At tandaan po natin, lumaki ang utang hindi po sa panahon ngayon lamang. Lumaki ang utang dahil namana po ni Pangulong Marcos Jr. ang napakalaking utang na nakuha ni dating pangulong Duterte at ito ay napabayaan ‘di umano dahil sa mga pang-aabuso sa Pharmally at sa mga ghost projects noon ng Build, Build, Build,” dagdag na Castro. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here