Home NATIONWIDE PBBM admin kapuri-puri sa pag-uulat ng totoong sitwasyon sa WPS – expert

PBBM admin kapuri-puri sa pag-uulat ng totoong sitwasyon sa WPS – expert

MANILA, Philippines – Dapat kilalanin ang pamahalaan sa pagiging transparent nito at pagbibigay ng totoong sitwasyon sa West Philippine Sea.

“I think the administration, the government, and the military deserve great credit because what they have done this year is a new approach,” ito ang sinabi ng security expert na si Raymond Powell sa panayam ng CNN Philippines.

Kasunod ng water cannon incident noong Agosto 5, sinabi ni Powell na ang footage na nakuha ng mga awtoridad ay nagsisilbing patunay sa agresibong aksyon ng China Coast Guard, na lubhang mas malalaking ang barko kumpara sa maliit na resupply boats ng Pilipinas.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Lunes, Agosto 7, na ipinatawag na ng Pilipinas ang ambassador ng China at naghain na rin ng diplomatic protest laban sa Beijing dahil sa insidente.

Ayon kay DFA spokesperson Tess Daza, hanggang nitong Lunes ay mayroon nang inihain na 445 diplomatic protests mula 2020.

Sa nasabing bilang, 35 ang inihain ngayong taon kabilang na ang pinakahuling insidente ng pambobomba ng China ng tubig sa PCG. RNT/JGC