Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makikipag-ugnayan siya sa India hinggil sa artificial intelligence (AI), cybersecurity, at iba pang digital technologies sa ilalim ng bagong strategic partnership ng dalawang bansa.
Sa pagsasalita sa Manila-based reporters sa Bangalore sa panahon ng kanyang five-day state visit, inilarawan ni Pangulong Marcos ang India bilang isang “world leader” sa digital space.
“India has a lot to offer in terms of experience, in terms of training, in terms of all of the things that we in the Philippines need to develop our own digital space,”ayon sa Pangulo.
Aniya, kabilang sa napag-usapan kasama ang mga Indian officials at business leaders ang AI, information technology, telecommunications, at ang konstruksyon ng karagdagang towers para mapabilis ang Common Towers Program ng bansa.
Hinihikayat ng Common Towers Program ang konstruksyon at paggamit ng “common towers,” na kung saan ang shared telecommunication towers ay naglalayong ayusin ang internet at mobile services ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtugon sa connectivity gap, lalo na sa ‘unserved at underserved areas.’
“Magaling sila dito sa India. Magaling sila. Marami silang napoproduce na highly, very well trained, na puwede talagang makipag-kumpetensya sa labor market,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Winika pa ng Pangulo na ginagalugad ng gobyerno ang technology transfer agreements at training exchanges na magbibigay pahintulot sa mga filipino na mag-aral sa mga Indian institution at sa kalaunan ay i-apply ang natutunan upang mapahusay ang improve local systems.
Binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng paghahanda para sa hamon na dala ng AI, na kanyang tinawag na “a very powerful tool” na “cuts both ways.”
“Ano ‘yung direksyon nila? Ano sa assessment nila papunta ang AI?,” ang tinuran ng Pangulo, sabay sabing ang pakikipagtulungan sa India ay makatutulong sa Pilipinas na mapangasiwaan ang benepisyo at panganib ng umuusbong na teknolohiya.
Idinagdag pa ng Pangulo na ang cybersecurity ay pangunahing bahagi ng talakayan, hindi lamang para sa armed forces kundi maging sa mga bangko, negosyo at ahensiya ng gobyerno.
Hangad din ng Pangulo ang kaalaman ng Indian sa pagtugon sa ‘misinformation, disinformation, at fake news’ sa political sphere.
Samantala, sinabi ng Pangulo na “expanding cooperation with India in AI and digital technologies would be “a very, very important” step for the Philippines as it builds a competitive, future-ready workforce.” /Kris Jose