Home NATIONWIDE PCO Usec. Castro, itinanggi na sinabi niyang walang travel authority si VP...

PCO Usec. Castro, itinanggi na sinabi niyang walang travel authority si VP Sara

353
0

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na may binanggit siya na bumiyahe patungong Kuwait si Vce-President Sara Duterte ng walang travel authority.

Sinabi ni Castro na sinagot lamang niya ang tanong kung nasaan si VP Sara at ang kanyang tugon ay hindi alam ng Office of the President (OP) kung nasan si VP Sara.

“Definitely, wala tayong binanggit na siya ay nag-travel sa Kuwait,” ang sinabi ni Castro sa isang panayam.

Ang tangi lamang niyang nasabi ay mayroong report na si VP Sara ay maaaring bumiyahe sa Kuwait sa Agosto 8 subalit wala namang aplikasyon para sa travel authority para sa sinasabig byahe.

Sa ulat, inakusahan ni VP Sara ang OP ng “political scapegoating” para sa pagsasabing ang kanyang byahe sa Kuwait ay walang travel authority.

“There’s no truth at all na I went to Kuwait without a travel authority,” ayon kay VP Sara.

Sinabi pa ni VP Sara na hindi niya napanood ang sinasabing komento ni Castro sa nasabing usapin, subalit malinaw na layon nito na sirain at paghinain ang Senate voting na i-archive ang impeachment case laban sa kanya.

Samantala, hinikayat naman ni Castro si VP Sara na maging responsable sa kanyang mga sinasabi at ang mga taong nagtatanong sa kanya ay ‘to stick to facts.’ /Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here