Home ENTERTAINMENT Pokwang, may tampo sa GMA7?

Pokwang, may tampo sa GMA7?

300
0

Manila, Philippines- Bongacious ang GMA ball kung saan lahat halos ng mga talent  ng Siyete ay present sa nasabing okasyon.

Pati na rin ang mga celebrities na hindi in house talent pero may mga ginagawang shows sa istasyon ay present din.

Siyempre pabonggahan ng kasuotan ang mga nagsidalo.

Pero kapansin pansin na wala ang komedyanang si Pokwang na isa sa inaasahan naming hindi papakabog pagdating sa isusuot niya, huh!

Nagpaliwanag na si Pokwang ng kanyang dahilan at wala siya sa nasabing okasyon.

Sinabi niyang bisi siya sa kanyang negosyo dahil sa bulk orders at hindi niya feel ang dumalo sa naturang okasyon dahil malalait lanv daw siya.

Maraming netizen naman ang hindi naniniwala sa kanyang dahilan.

Hindi kaya may tampo si Ms. P sa management ng  GMA. 7?

Pero sa totoo lang,  responsibi­lity niya na dumalo bilang nasa GMA 7 ang kanyang mga programa di ba? Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here