Home NATIONWIDE Pagbabantay ng PCG sa tatlong barko ng Tsina sa Batanes, pinaigting

Pagbabantay ng PCG sa tatlong barko ng Tsina sa Batanes, pinaigting

209
0

MANILA, Philippines – Pinaigting pa ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang pagpapatrolya sa Batanes matapos mamataan ang tatlong barko ng China Coast Gurad (CCG) na umaaligid sa isla ng lalawigan mula Taiwan nitong Biyernes, Agosto 8.

Umalis ng Maynila ang light utility island ng PCG alas 6 ng umaga at lumipad sa ibabaw ng unang CCG vessel na may bow number na 4304 humigit kumulang 75 nautical miles kanluran sa baybayin ng Sabtang Island.

Ang PCG aircraft ay naglabas ng radio challenge sa barko ng China na binibigyang diin na wala itong legal na awtoridad na mag-operate sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Nabigo namang maabot ng PCG ang dalawa pang barko ng China na may bow number na 3301 at 3304 ilang milya ang layo mula sa unang barko dahil sa masamang panahon.

Inilarawan ni maritime securty analyts Ray Powell ang presensya ng tatlong barko ng China na bagong antas ng agresyon sa bahagi ng CCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here