Home NATIONWIDE PBBM balik-Manila na mula sa trilateral meeting sa Washington

PBBM balik-Manila na mula sa trilateral meeting sa Washington

MANILA, Philippines – Balik na sa Manila si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos dumalo sa trilateral summit kasama ang mga lider ng US at Japan sa Washington.

Dumating si Marcos at ang kanyang delegasyon sa Manila 3:03 ng madaling araw.

Sa biyahe ni Marcos, nakipagkita siya kay US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

“During our meeting, we reaffirmed our commitment to a peaceful, secure, and prosperous Indo-Pacific,” ani Marcos.

“We are guided by our shared values of democracy, the rule of law, human rights, and gender equality. We explored ways of enhancing our cooperation in a number of areas of mutual concern, including in enhancing economic resilience and security, promoting inclusive growth and development, addressing climate change and maritime cooperation,” dagdag pa niya.

Anang Pangulo, nangako ang US at Japan ng suporta para sa infrastructure development at connectivity sa Pilipinas sa pamamagitan ng Partnership for Global Infrastructure and Investment, implementasyon ng Open Radio Access Network, workforce development para sa semiconductor industry, capacity building sa mapayapang paggamit ng nuclear energy, at membership ng bansa sa Minerals Security Partnership Forum.

“I took the opportunity to update President Biden and Prime Minister Kishida on the latest developments in the South China Sea, including the recent incident at Ayungin Shoal,” ani Marcos. RNT/JGC