MANILA, Philippines – Nakabalik na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Pilipinas matapos lumahok sa ASEAN Summit and Related Summits.
Lumapag sa Villamor Air Base, 10:23 ng gabi nitong Biyernes, Oktubre 11 ang presidential plane sakay si Marcos.
Matatandaan na naging malakas ang naging presensya ni Marcos sa diskusyon kasama ang mga lider ng ASEAN lalo na ang paninindigan nito sa sitwasyon sa South China Sea, at ang bahagi ng Pilipinas na West Philippine Sea.
Bukod dito, hinimok din ni Marcos ang mga business sector ng ASEAN na mamuhunan sa Pilipinas.
Tinalakay din ng ASEAN leaders ang mga mahahalagang international issues at ang mga pagsubok na nakakaapekto sa bansa at sa buong rehiyon.
Samantala, nagpasalamat naman si Marcos sa Lao PDR, na chair ng ASEAN ngayong taon, para sa matagumpay na hosting ng Summit and Related Summits. RNT/JGC