MANILA, Philippines – Balik-Pilipinas na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod ng kanyang three-day visit sa Russia para sa ASEAN-Russia Commemorative Summit kung saan binigyang diin ang panibagong ugnayan at mas matibay na pagtutulungan sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa katunayan, ang eroplano kung saan lulan sina Pangulong Marcos at ang Philippine delegation ay lumapag sa Villamor Airbase sa Pasay City ng alas- 4:02 ng hapon, araw ng Biyernes.
Sina Russian President Vladimir Putin at Pangulong Marcos ang o-chair ng summit.
Sa nasabing summit, may ilang partnerships ang naitatag, at ang mga dokuemnto na in-adopt ay ang: napagkasunduan ng ASEAN at Russia na mas palalimin pa ang pagtutulungan at dayalogo sa ilang aspeto sa pamamagitan ng Kazan Declaration 2026
-Ang ASEAN-Russia Comprehensive Plan of Action for 2026-2030
-Ang Joint Statement and Concept Paper on Cultural Cooperation
Ibinahagi rin ni Pangulong Marcos ang kanyang pagiging bukas sa posibleng visa-free deal kasama ang Russia.
Sa sidelines ng summit, sinabi ni Pangulong Marcos na nagdaos siya sa bilateral meeting kasama si Putin.
“We reaffirmed the friendship and cooperation between Russia and the Philippines as we look forward to the next 50 years in our relations,” ang sinabi ni Pangulo sa kanyang arrival statement.
“We discussed ways to further advance our bilateral partnership across trade and investment, energy security, agriculture, science and technology, education, and people-to-people exchanges,” aniya pa rin.
Sa isang press conference, inanunsyo ni Pangulong Marcos ang pagbibigay pahintulot sa pagpapalaya ng 24 Filipino na nakapiit sa sa Lungsod ng Irkutsk sa Siberia para sa nakalipas na siyam na buwan.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Dave Gomez na ang Pangulo ay may suot na dalawang sumbrero nang magpunta siya sa Russia para sa Summit: bilang Pangulo ng Pilipinas at bilang ASEAN Chair ngayong 2026.
“Dalawa ‘yung papel na ginagampanan ng ating Pangulo dito. And so far, sa nakita namin today, he’s really doing a very good job for both roles,” ayon kay Gomez.
Ang working visit ng Pangulo sa Russia ay mula June 16 hanggang June 18, 2026. (KRIS JOSE)







