Home NATIONWIDE PBBM binati si VP Sara sa kaarawan

PBBM binati si VP Sara sa kaarawan

MANILA, Philippines – MALUGOD na binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Vice President Sara Duterte na nagdiriwang ngayon ng kanyang ika-46 taong kaarawan.

Binigyang diin ng Pangulo ang kasipagan at pagmamahal ni VP Sara para sa bansa.

”Happy Birthday, Inday Sara! Pinalalakas ng ‘yong sipag at pagmamahal sa bayan ang ating mga kabataan at kaguruan. Ipagpatuloy lang natin ito para sa isang matatag na edukasyon sa ilalim ng Bagong Pilipinas!” ang pagbati ng Pangulo.

Sa kabilang dako kasalukuyang nasa Singapore si Pangulong Marcos para sa kanyang keynote address sa 2024 IISS Shangri-La Dialogue.

Habang wala ang Pangulo para sa kanyang working visit ay tumatayo namang caretaker ng bansa si VP Sara kasama si Executive Secretary Lucas Bersamin at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III. Kris Jose