MANILA, Philippines – NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Administrative Order (AO) 29, paglikha ng technical working group (TWG) para sa pagtatatag ng isang National Forensics Institute (NFI) para palakasin ang justice system sa bansa at pagkadalubhasa sa larangan ng forensics.
Sa ilalim ng AO 29, tinintahan ni Pangulong Marcos noong Enero 22, ang TWG ay magsasagawa ng komprehensibong pag-aaral at magsusumite ng rekumendasyon na may kaugnayan sa agarang pagtatatag ng NFI, pagkonsidera sa pangangailangan na i-rationalize at i- streamline ang mga tungkulin ng mga kaugnay na ahensiya ng pamahalaan at palakasin ang kapasidad ng bansa sa forensics.
Tatayong chairman ng TWG ang Office of the Executive Secretary habang ang co-chair naman ay ang Department of Justice (DOJ).
Magsisilbing miyembro ang department of interior and local government, foreign affairs, health, at budget; Commission on Higher Education; Presidential Human Rights Committee; at University of the Philippines – Manila.
Ang DOJ ay magsisilbi naman bilang Secretariat ng TWG, tagapagbigay ng administrative at technical support sa body.
“The establishment of an NFI, which shall be backed by state-of-the-art research and laboratory services, is consistent with the government’s efforts to strengthen domestic accountability mechanisms through comprehensive justice reforms, with the end in view of providing rigorous academic, specialization and capacity-building programs in the field of forensics,” ang nakasaad sa kautusan.
“The TWG shall study and devise an efficient and collaborative mechanism to elevate the standards of forensics in the Philippines.”ang nakasaad pa rin sa kautusan.
Sa loob ng anim na buwan mula sa pagpapalabas ng AO 29, inatasan ang TWG na maghanda ng konkretong ‘short-, mid-, at long-term action points’ at maging mag -‘map out ng posibleng panggagalingan ng financial at technical support, may kaugnayan sa pagtatatag ng NFI.
May mandato rin ang TWG na repasuhin ang tungkulin ng mga ahensiya ng gobyerno na may mandato na may kinalaman at kaugnayan sa forensics; repasuhin ang nakabinbing batas na may kinalaman sa kalagayan at advancement ng forensics; pag-aralan at magrekumenda ng forensic-related policies at mga programa at makipag-ugnayan sa local at international bodies na may kinalaman sa larangan ng forensics.
Maaari rin itong tumanggap ng donasyon, kontribusyon, grants, bequests, o regalo mula sa domestic o foreign sources, “for purposes relevant to its mandates and functions, subject to existing laws, rules and regulations.”
“The TWG is hereby directed to submit to the President, through the Office of the Executive Secretary, a quarterly report detailing, among others, the TWG’s accomplishments, and status of the action points for the establishment of the NFI,” ayon sa AO 29.
Ang initial funding na kailangan para sa implementasyon ng AO 29 ay huhugutin mula sa available appropriations ng TWG member agencies.
Ang pondo na kakailanganin para sa pagpapatuloy ng implementasyon ay isasama sa budget proposal ng member agencies.
Isa sa commitment ng gobyerno ng Pilipinas sa idinaos na 75th anniversary ng Universal Declaration of Human Rights sa Geneva, Switzerland noong Dec. 2023 ay ang pagtatatag ng NFI. Kris Jose