Home NATIONWIDE PBBM buo ang suporta sa mga atleta sa pagbubukas ng Palarong Pambansa

PBBM buo ang suporta sa mga atleta sa pagbubukas ng Palarong Pambansa

175
0

MANILA, Philippines- Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibibigay ang kanyang buong suporta sa mga atletang Pilipino matapos na opisyal nitong buksan ang ika-65 Palarong Pambansa sa Ferdinand E. Marcos Sr. Memorial Stadium sa Laoag City, Ilocos Norte, Sabado ng gabi.

Nanawagan si Pangulong Marcos sa mga grade school at secondary student-athletes na ibigay ang lahat ng kanilang makakaya.

“Magandang halimbawa kayo sa kabataang Pilipino na may pangarap sa buhay at determinasyon upang matupad ito. Kami naman sa pamahalaan, hangga’t sa maabot ng aming makakaya, ginagawa po namin ang lahat para matulungan kayong maging mahusay na manlalaro,” wika niya.

“Ang gobyerno ay laging nasa likod ninyo. Tutulungan namin kayong maabot ang inyong pangarap dahil ang panalo ninyo, panalo na rin namin,” aniya pa.

Winika ng Pangulo na manalo o matalo, kinokonsidera na niya ang mga ito bilang mga ‘kampeon’ dahil sa kanilang kahanga-hangang mga kasanayan sa palakasan at dedikasyon para manalo.

“Higit sa pagkapanalo, mas mahalagang matutunan ninyo ang disiplina, ang halaga ng pakikipagkaibigan at mag-enjoynaman sa inyongfavorite sport,Manalo man o matalo. Tandaan ninyo, ang taong lumalaban ay hindi natatalo,” ang sinabi ng Punong Ehekutibo.

“Losers are those who fail to try. Winners are those who try and maybe they failed, but then they try again and do not stop trying until they win and succeed,” dagdag niya.

Kaya nga ang payo ni Pangulong Marcos sa mga atleta ay pangalagaan ang kanilang kalusugan at ipagpatuloy na tuparin ang kanilang mga pangarap hanggang sa sila ay maging matagumpay.

Aniya pa, sa hinaharap, ilan sa mga ito ay maaaring maging kinatawan ng bansa sa international competitions.

“Ngayong araw dito sa Palarong Pambansa, kayo naman ang kasali. Sa susunod kayo na ang kinatawan ng Pilipinas saAsian Gamesat saka saOlympics,kaya paghusayan ninyo,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Sa kabilang dako, tampok sa Palarong Pambansa ngayong taon ang 24 regular sports, kabilang na ang ‘athletics, basketball, volleyball, gymnastics, taekwondo at swimming.’

Ang Weightlifting ay ipakikilala bilang demonstration sport, habang ang kickboxing, girls’ football at girls’ futsal ay gagawin bilang exhibition events.

Isang special category para sa mga atleta na may kapansanan ang binigyang-diin sa events, ito ay ang para-athletics, para-swimming, bocce at goalball.

Mayroon namang 15,000 delegado mula 20 athletic associations, kabilang na ang 18 rehiyon sa bansa, National Academy of Sports at Philippine Overseas Schools, ang magpapartisipa mula May 25 hanggang 30.

May temang, “Nagkakaisang Kapuluan” (United Archipelago), ang taunang national scholastic competition ay naglalayon na mag-promote ng physical education, tuklasin ang umuusbong na athletic talent, at pagyamanin ang pakikipagkaibigan at ‘national pride’ sa hanay ng mga student-athletes na may magkakaibang background. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here