Home NATIONWIDE PBBM dadalo sa ASEAN summit sa Malaysia

PBBM dadalo sa ASEAN summit sa Malaysia

MANILA, Philippines – DADALO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ASEAN Summit sa Malaysia na nakatakda ngayong buwan.

Sa katunayan ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang, ang ASEAN Summit ay gaganapin sa May 26 hanggang 27 sa Malaysia

Ani Castro, kinausap ni Pangulong Marcos si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim, araw ng Biyernes hinggil sa regional economy at security at darating na ASEAN Summit.

“Nagkausap kami ni Prime Minister Anwar Ibrahim ng Malaysia tungkol sa mga hamon sa ekonomiya at seguridad na kinakaharap ng ASEAN bilang isang rehiyon,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang post sa Facebook.

“Inaasahan kong maipagpatuloy ang mga talakayang ito kasama ang iba pa nating mga kasamang lider sa Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia, ngayong buwan,” aniya pa rin.

Ibinahagi naman ni Anwar ang mas marami pang detalye ukol sa kanilang phone call sa isang Facebook post, araw ng Biyernes.

“Earlier this evening, I called my good friend, Ferdinand ‘Bongbong’ Romualdez Marcos Jr., who is also the President of the Republic of the Philippines, to discuss several matters and developments related to ASEAN and global issues,” anito pa rin.

Ipinaalam din ni Anwar kay Pangulong Marcos ang hangarin ng at panawagan na tigil-putukan sa Myanmar na ie- extend, para masiguro na ang humanitarian aid ay magpapatuloy na maabot ang mga apektadong populasyon.

“We were also in agreement that any form of assistance must be delivered without discrimination or restrictions,” ang sinabi pa rin nito.

Pinag-usapan din ng dalawang lider ang taripa.

“On the issue of tariffs, as the ASEAN Chair, I conveyed that Malaysia can leverage its position to demonstrate its significance to the United States in global tariff negotiations,” ang sinabi ni Anwar. Kris Jose