Home NATIONWIDE Tagle ipinagtanggol ng CBCP sa batikos ng watchdog group

Tagle ipinagtanggol ng CBCP sa batikos ng watchdog group

MANILA, Philippines – Naglabas ng bihirang pahayag ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa clerical sexual abuse na nagtatanggol kay Cardinal Luis Antonio Tagle sa isyu bago ang pagbubukas ng conclave para maghalal ng bagong Papa.

Ang Watchdog group na BishopAccountability.org ay nagbabala na si Tagle at Italian Cardinal Pietro Parolin para protektahan ang mga bata, kasama ang co-director nito na inaakusahan ang Simbahan sa ilipinas na nananatili sa “dark ages”.

Itinuturing ang dalawa na mga frontrunner para palitan si Pope Francis.

Kasalukuyang nasa Vatican ang mga cardinal mula sa ibat-ibang panig ng mundo bago ang conclave sa Miyerkules ng mga karapat-dapat sa kanila na maghalal ng bagong pontiff.

Sa inilabas na pahayag ng CBCP sa kanilang Facebook page, sinabi nito na “addressing allegations of misconduct by clergy rests with the respective diocesan bishops or religious superiors” at hindi kay Tagle.

Binanggit din nito ang mahalagang papel na ginampanan ni Tagle—na nagsilbi bilang Arsobispo ng Maynila sa pagitan ng 2011 at 2019—sa paggawa ng mga pastoral na alituntunin sa sekswal na pang-aabuso na ipinakalat noong 2003.

Sinabi ni Anne Barrett Doyle, co-director ng BishopAccountability.org, noong Biyernes na ang mga alituntunin sa pagharap sa mga kaso ng sekswal na pang-aabuso ay hindi nai-publish sa mga webpage ng Manila archdiocese o ng CBCP.

“If Cardinal Tagle cannot even get his brother bishops from his home country to publish guidelines, what on earth can we expect for him to achieve as pope of a global church?” ayon kay Doyle. Jocelyn Tabangcura-Domenden