Home NATIONWIDE PBBM ‘di mapapataksik sa pwesto sa pagturnover kay FPRRD sa ICC

PBBM ‘di mapapataksik sa pwesto sa pagturnover kay FPRRD sa ICC

147
0

MANILA, Philippines – Hindi maaaring batayan sa pagpapaimpeach kay Pangulong Bongbong Marcos ang naging pag-turnover kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa  International Criminal Court (ICC), ayon sa House Committee on Justice.

Ang paglilinaw ay ginawa ng komite sa naging pagtalakay nito sa unang batayan sa impeachement complaint na inihain ni Atty. Andres de Jesus na nagsabing nakagawa ng betrayal of public trust ang Pangulong Marcos nang hayaan ang “kidnapping” kay Duterte.

Giit ng committee members, legal ang ginawa ng gobyerno at sinunud ang legal warrant of arrest ng ICC.

Sa pagtalakay ng komite kung pasok sa substance ang impeachnent complaint ni De Jesus, sinabi ng komite na walang naipresentang ebidensya ang complainant sa kanyang unang reklamo maliban sa news article clippings.

“Lacks personal knowledge and authentic documents to support his allegations against the President” pahayag ni Bicol Saro Partylist Rep Terry Ridon.

“Para sa akin, walang batayan…there is insufficiency of substance,” dagdag pa ni Ridon na Chairman ng House Committee on Public Accounts.

Gayundin ang posisyon ni  Manila Rep. Joel Chua, vice chair ng House Committee on Justice, aniya, hindi uusad ang reklamo na kidnapping dahil ĺhindi private individual ang Pangulo.

“Dito pa lang tapos na ang (De Jesus) impeachment complaint,” giit nito.

Parehas din ang posisyon nina  Mamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima at Cagayan de Oro Rep Rufus Rodriguez na nagsabing tungkulin ng bansa na sundin ang ICC order.

Pinuna ng mga miyembro ng House Committee on Justice ang kawalan ng mga konkretong ebidensya sa impeachment na basehan na para ibasura ito.

Anila, hindi maaaring iimpeached ang isang Pangulo na ang basehan lang ay mga news report.

Giniit ni Baguio City Rep. Mauricio Domogan, na isang dating hukom,  na malinaw sa House rules sa impeachment na dapat suriin at gawing batayan ng komite ay dapat ang alegasyon ay may  “personal knowledge at  mga authentic documents na wala umano sa impeachment complaint na isinampa. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here