Home HOME BANNER STORY PBBM ‘di nagulat sa pagbaba ng approval rating

PBBM ‘di nagulat sa pagbaba ng approval rating

MANILA, Philippines – HINDI na nagulat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbaba ng kanyang approval rating sa third quarter ng 2023, batay sa ipinalabas na survey ng Pulse Asia.

Ang katuwiran ng Pangulo, naiintindihan niya ang sentimyento ng publiko.

Naniniwala ang Chief Executive na ang pagtaas ng presyo ng bigas ang labis na nakaapekto sa pagbaba ng kanyang approval rating.

“It’s not surprising. People are having a hard time. Bigas ito, eh. Ibang usapan pag bigas. It’s different from anything else, any other agricultural product. I completely understand it, and that’s why we’re working very very hard to make sure that this comes up again– not because of the survey, that’s not important to me,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam sa Taguig City.

“What’s important to me is that we make sure that people have enough to eat and that it is affordable to them,” dagdag na wika nito.

Nauna rito, napaulat na bumaba ang trust at approval ratings nina Pangulong Marcos at Vice President Sara Duterte sa third quarter ng 2023, batay sa ipinalabas na survey ng Pulse Asia.

Sa inilabas na resulta ng Pulse Asia survey nitong Lunes, Oktubre 2,  tinatayang sumipa sa 65%  ang approval rating ng Pangulo noong Setyembre kumpara sa 80%  noong buwan ng Hunyo. Kitang-kita na bumaba ito ng 15%.

Habang 11 puntos naman ang ibinaba ng approval rating ni VP Sara dahil 73%  ito nito lamang buwan ng Setyembre mula sa 84% noong buwan ng Hunyo.

Sa kabila nito, sina Pangulong Marcos at VP Sara ang may pinakamataas na approval rating kumpara kina Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker Martin Romualdez at Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo.

Sa kabilang dako, pagdating naman sa trust rating, sinasabing mula 85% noong Hunyo ay naging 71%  ang trust rating ni  Pangulong Marcos nitong buwan ng Setyembre habang si VP Sara naman ay 75% nitong buwan ng Setyembre kumpara sa 87% noong Hunyo.

Sa kabuuan, sina Pangulong Marcos at VP Sara ang may mataas pa rin na trust rating kumpara sa ibang opisyal.

Isinagawa umano ang nasabing Pulse Asia survey mula Setyembre 10 hanggang 14, 2023 sa 1,200 respondents at habang o bago dinidinig ang panukalang budget sa 2024.

“Around the time that the Sept. 10 to 14 survey was conducted, Congress was deliberating on the 2024 national budget that included P4.8 billion in proposed confidential funds and intelligence funds for some government agencies, including Marcos and Duterte’s offices,” ayon sa Pulse Asia. Kris Jose