MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mahigit sa P3 billion ang nawala dahil sa agricultural smuggling noong 2023.
Inihayag ito ni Pangulong Marcos sa paglagda upang maging ganap na batas ang Anti- Agricultural Economic Sabotage.
Giit ng Pangulo, ang economic sabotage sa agricultural sector ay ”not simply a tale of dubious deals and inflated profits; it manifests as well as hunger, desperation, as betrayal.”
”Let us then acknowledge the gravity of the situation: These crimes threaten not only our economy but our national security as well. It jeopardizes the livelihood of hardworking Filipino farmers and fisherfolk and it threatens the food sustainability of our communities,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
”In 2023 alone, we lost over three billion pesos to agricultural smuggling — staggering amount,” ang pahayag pa rin ng Chief Executive.
Sinabi pa rin niya na “in less than nine months of 2024”, nakumpiska ng mga awtoridad ang mahigit sa P230 milyong halaga ng smuggled agricultural products.
Sa ilalim aniya ng bagong batas, ang smuggling, hoarding, profiteering, at cartel operations na may kaugnayan sa agricultural at fishery products ay ika-klasipika bilang economic sabotage, isang non-bailable offense, ang kaparusahan ay habambuhay na pagkakakulong at may multa na 5 beses sa halaga ng sangkot na kalakal.
Ayon sa Pangulo, hindi lamang target nito ang mga mastermind kundi ang panagutin ang lahat ng mga kompanya na kasabwat at may pananagutan kabilang ang mga ‘financiers, brokers, mga empleyado at maging ang transporters. Kris Jose