Home NATIONWIDE PBBM kay Angara: Kasaysayan ng Pinas ituro sa kabataang Pinoy

PBBM kay Angara: Kasaysayan ng Pinas ituro sa kabataang Pinoy

MANILA, Philippines – Inatasan ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. si incoming Education Secretary Sonny Angara na turuan ang mga batang Pilipino tungkol sa kasaysayan ng bansa.

Sa isang ambush interview sa Sulu, sinabi ni Marcos na nakausap niya si Angara tungkol sa kanilang mga plano para sa sektor ng edukasyon.

”Isang bagay na hiniling ko sa kanya ay pakiusap na turuan ang ating mga anak ng kasaysayan ng Pilipinas dahil nakita ko ang mga workbook ng aking mga anak, at kakaunti ang nasabi tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas,” paliwanag ni Marcos.

Sinabi rin ni Marcos na tinalakay niya ang pagpapasimple ng kurikulum kay Angara. Aniya, napag-usapan nila ang pagkakaroon ng mini courses para mapataas ang employability ng mga Philippine graduates, bukod pa sa itinuturo ng K to 12 program.

”There are two elements that we paid attention to specifically, number one ginawa natin ‘yung K to 12 dahil hinahanap ang years of training sa ating mga naga-apply at sinasabi dito sa Pilipinas kulang… that was the reason we did it para employable ‘yung mga graduate natin pero kung titingnan natin ang naging resulta, hindi gumanda, hindi tumaas ang employability nila so we have to do something else,” dadag pa niya.

“We were examining things like mini courses, ‘yung tatlong buwan, anim na buwan, one-year short courses para sa mga special team,” ayon pa sa Pangulo.

Gayunpaman, binigyang-diin din ni Marcos na kailangang makipag-ugnayan ang gobyerno sa pribadong sektor upang magkaroon sila ng garantisadong suplay ng mga skilled worker na makapasok sa kanilang mga industriya. RNT