Home NATIONWIDE Sahod, work conditions ng mga guro aayusin ni Angara

Sahod, work conditions ng mga guro aayusin ni Angara

MANILA, Philippines – SINABI ni incoming Education Secretary Juan Edgardo Angara na kabilang sa kanyang prayoridad ay ang ayusin ang benepisyo ng mga guro at nangakong itutulak na bigyan ng umento ng sahod ng mga ito.

Tututukan din ni Angara na gawing simple ang curriculum at ayusin ang kalidad ng teaching at working conditions ng mga guro.

“I’m confident that under the Marcos administration, there will be an increase in our teachers’ salaries … I’m just not sure if [it will be] this year or next year, but there will be an increase,” ang sinabi ni Angara.

Matatandaang, noong buwan ng Pebrero, pormal nang inihain ng mga kinatawan ng progresibong Makabayan bloc ang panukalang itaas ang minimum na sweldo ng mga pampublikong guro patungo sa P50,000.

Ito ang ibinalita ng ACT Teachers party-list ngayong Martes sa paghahain ng House Bill 9920, o “Increasing the Minimum Salaries of Public School Teachers to P50,000 and Appropriating Funds Therefor.”

“Layunin ng panukalang batas na ito na taasan ang minimum wage ng mga guro, na matagal nang napag-iwanan at hindi na nakasasapat,” wika ng ACT Teachers party-list sa isang paskil sa X (dating Twitter).

Maliban sa ACT Teachers party-list, kabilang sa mga naghain ng panukala ang mga kinatawan ng Kabataan party-list at Gabriela Women’s Party.

Samantala, sinabi ni Angara na masusi niyang pag-aaralan ang panukala sa pakikipag-ugnayan sa ibang ahensiya gaya ng Department of Finance at Department of Budget and Management.

“We are one hundred percent in support of all these increases for teachers because we know that the quality of education is affected when the teachers are really inspired. And we also get to attract the best and the brightest,” ayon pa rin kay Angara.

Winika ni Angara na itinutulak niya ang umento sa sahod ng mga empleyado ng gobyerno lalo na “when I was part of the Senate committee on finance.” Kris Jose