Home NATIONWIDE PBBM, Leni magkikita sa Naga sa Peb. 21

PBBM, Leni magkikita sa Naga sa Peb. 21

158
0

MANILA, Philippines – NAKATAKDANG magkita sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Vice President Leni Robredo sa darating na Sabado, Pebrero 21, para sa implementasyon ng Oplan Kontra Baha sa Naga City.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malacañang na ang nakatakdang pagbisita ni Pangulong Marcos sa Naga City ay may kinalaman sa flood mitigation measures ng gobyerno.

“Yung Oplan Kontra Baha ay pinasimulan na po sa Naga City ng ating Pangulo. Busy po ngayon ang kawani ng DPWH para linisin ang mga kanal at estero sa Naga City. ’Yan po ang bibisitahin ng Pangulo at totoo po na bibisita po siya at makakasama niya po ang Mayor Leni Robredo ng Naga City,” ayon kay Castro.

Si Robredo ay kasalukuyang alkalde ng Naga City.

Ani Castro, wala pang impormasyong ibinibigay sa kanya kung pag-uusapan ng dalawa ang political plans para sa 2028 national elections. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here