Home NATIONWIDE PBBM, Luxon sa Israel-Iran conflict: ‘Exercise maximum restraint on all sides’

PBBM, Luxon sa Israel-Iran conflict: ‘Exercise maximum restraint on all sides’

MANILA, Philippines- Kapwa nagpahayag ng “serious concern” sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at New Zealand Prime Minister Christopher Luxon kaugnay sa kamakailan lamang na pag-atake sa Israel.

“The leaders also shared the international community’s serious concerns about broader regional escalation in the Middle East, particularly Iran’s recent strikes on Israel, and urged maximum restraint on all sides,” ayon kina Pangulong Marcos at Luxon sa joint statement matapos ang kanilang bilateral meeting, araw ng Huwebes, Abril 18.

Nagpalitan kasi ng kani-kanilang pananaw ang dalawang opisyal hinggil sa regional at global developments, kabilang na ang sitwasyon sa Israel, Palestine, Taiwan Strait, Myanmar, at Ukraine.

“Prime Minister Luxon and President Marcos expressed serious concern on the dire humanitarian situation and tragic loss of innocent Israeli and Palestinian life following the 7 October terrorist attacks,” saad sa kalatas.

Nagpaabot naman si Luxon ng kanyang pakikiramay sa mga Filipino migrant worker na nasawi at nagpahayag ng pakikidalamhati para sa mga natitirang bihag.

Kapwa pinagtibay ng dalawang lider ang kanilang panawagan para sa agarang humanitarian ceasefire para mapahintulutan ang mabilisang pagpapadala ng tulong at panawagan para sa proteksyon ng mga sibilyan at civilian infrastructure at pagtalima sa international law, kabilang na ang international humanitarian law.

Nagpahayag din ang mga ito ng kanilang “serious concern” sa agresyon ng Russia sa Ukraine, sabay sabing, “it was a clear violation of the principles of the UN Charter.”

Pinagtibay ng mga ito ang kanilang nagpapatuloy na commitment sa pagsuporta sa soberanya at territorial integrity ng Ukraine.

Sa kabilang dako, sa sitwasyon naman sa Myanmar, nanawagan ang dalawang lider sa military regime na kaagad na ihinto ang karahasan, palayain ang mga “arbitrarily detained,” magbigay ng “full, safe at unhindered humanitarian access” at lumikha ng espasyo para sa makabuluhan at “inclusive dialogue.”

Hinikayat din ng mga ito ang international community na magtulungan para sa isang “pragmatic at constructive way” para suportahan ang isang pagtatapos na karahasan sa Myanmar. Kris Jose