MANILA, Philippines- PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Huwebes, ang distribusyon ng bigas sa Lungsod ng Maynila bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan na pagaanin ang paghihirap ng publiko sa gitna ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Sa isinagawang pamamahagi, personal na iniabot ng Pangulo ang isang sako ng bigas sa benepisaryo. Sa katunayan ay binuhat at itinaas pa nito ang isang sako ng bigas na parang dumbbell.







