MANILA, Philippines – Nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Special Joint Price and Supply Monitoring ng Trade and Industry Department at ng Department of Agriculture ngayong umaga ng Miyerkules, Marso 18, upang personal na makita ang takbo ng presyo at suplay ng mga pangunahing bilihin.
Ito’y sa gitna ng ginagawang pagbabantay ng gobyerno sa presyo at suplay ng mga pangunahing bilihin lalo pa’t nagtaas na ang presyo ng produktong petrolyo.







