Home NATIONWIDE PBBM, nagdeklara ng 5 local holidays

PBBM, nagdeklara ng 5 local holidays

46
0

MANILA, Philippines – Nagpalabas ang Malakanyang ng mga proklamasyon na nagdedeklara ng special non-working days para sa buwan ng Mayo at Hunyo sa Batangas, Cagayan, Zamboanga Sibugay, Misamis Occidental, at Quezon Province para pahintulutan ang mga residente na ganap na makapagpartisipa sa mga mahahalagang historical at cultural celebrations.

Sa katunayan, ipinalabas ng Malakanyang ang Proclamation No. 1241, nagtatalaga sa May 23, 2026, bilang special non-working day sa Lungsod ng Calaca, Batangas, bilang pagbibigay galang sa birth anniversary ni General Eleuterio Marasigan, isang magiting na Calaqueño, makabayan at isa sa mga lider sa panahon ng libertarian movement sa lalawigan.

Gayundin, idineklara naman ng Proclamation No. 1242 ang May 20, 2026, bilangh special nonworking day sa Munisipalipad ng Gattaran, Cagayan, alinsunod sa founding anniversary celebration nito.

Ang dalawang proklamasyon ay tinintahan noong Mayo 7.

Ipinalabas ng Malakanyang ang Proclamation No. 1243, nagdedeklara sa May 18, 2026, bilang special non-working day sa Naga, Zamboanga Sibugay.

Gayundin, ipinalabas ng Malakanyang ang Proclamation No. 1245, nagdedeklara sa June 24 bilang special non-working day sa Jimenez, Misamis Occidental, para sa pagdiriwang ng Kapistahan.

Idineklara rin ng Malakanyang ang June 18 bilang special non-working day sa Munisipalidad ng Patnanungan, Quezon, para ipagdiwang ang founding anniversary nito.

Sa kabilang dako, ang mga Proclamations No. 1241, 1242, 1243, at 1245 ay tinintahan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto, na may pahintulot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa Manila, Mayo 12, 2026.

Sa pagpapalabas ng mga proklamasyon, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na angkop at wasto para sa mga mamamayan ng mga nasa lokalidad na bigyan ng ‘full opportunity’ para magpartisipa sa okasyon at magsaya na i-promote ang “cultural heritage, pangalagaan ang community identity at pagkakaisa at maging i-obserba ang kanilang founding anniversaries. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here