Home HOME BANNER STORY PBBM, nagdeklara ng June holidays sa 13 lugar

PBBM, nagdeklara ng June holidays sa 13 lugar

25
0

MANILA, Philippines – Nagdeklara si Pangulong Ferdinand Marcos ng special non-working days sa 13 lugar sa iba’t ibang panig ng bansa para ipagdiwang ang kani-kanilang founding anniversaries.

Sa katunayan, idineklara ni Pangulong Marcos ang June 1, araw ng Lunes bilang special non-working day sa munisipalidad ng Palapag, Northern Samar.

Ginawa ang deklarasyon sa ilalim ng Proclamation No. 1268 upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng munisipalidad ng Sumuroy Day.

“[I]t is but fitting and proper that the people of the Municipality of Palapag be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa nasabing proklamasyon na nilagdaan nito noong May 26.

Idineklara rin ng Chief Executive ang June 18, araw ng Huwebes bilang special non-working day sa Calintaan, Occidental Mindoro para sa 60th founding anniversary ng munisipalidad.

Idineklara rin ang June 18 bilang special non-working day sa Presentacion, Camarines Sur para sa 65th charter anniversary nito; Carmen, Davao del Norte para sa founding anniversary nito; Kalilangan, Bukidnon para sa 60th founding anniversary nito; at Ambaguio, Nueva Vizcaya para sa founding anniversary nito.

Ang mga nasabing holiday ay idineklara sa ilalim ng mga Proclamation No. 1266, 1269, 1270, 1271, at 1272 na tinintahan noong May 26.

Sa darating na June 3, araw ng Miyerkules, idineklara ito bilang special non-working day sa munisipalidad ng Ayungon, Negros Oriental para sa 102nd township anniversary nito.

Ang June 6, tumapat sa araw ng Sabado, idineklara bilang special non-working day sa Zamboanga del Norte. Ang lalawigan ay magdiriwang ng 74th founding anniversary nito.

Sa June 9, araw ng Martes, ito’y deklarado bilang special non-working day sa Rosario, Batangas para sa pagdiriwang ng founding anniversary nito.

Habang sa June 17, araw ng Miyerkules, idineklara ito bilang special non-working day sa Lapu-Lapu City, tanda ng pagdiriwang ng 65th charter anniversary nito.

Sa darating na June 18, araw ng Huwebes, idineklara ito bilang special non-working day sa San Fernando, Bukidnon para sa pagdiriwang ng 60th founding anniversary nito.

At sa June 19, tatapat sa araw ng Biyernes, ito’y idineklara bilang special non-working day sa Laoag City, Ilocos Norte para sa pagdiriwang ng charter anniversary nito.

Samantala, idineklara rin ni Pangulong Marcos ang June 24 bilang special non-working day sa Tiaong, Quezon Province para sa pagdiriwang ng kapistahan ng bayan nito.

Ang mga nabanggit na holiday ay idineklara sa ilalim ng mga Proclamation No. 1273, 1274, 1275, 1276, 1277 , 1278, at 1279 na pinirmahan naman noong May 28. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here