Home NATIONWIDE PBBM, nagpaabot ng pagbati kay Alex Eala sa makasaysayang pagkapanalo sa Wimbledon...

PBBM, nagpaabot ng pagbati kay Alex Eala sa makasaysayang pagkapanalo sa Wimbledon Championships

1
0

MANILA, Philippines – Nagpaabot nang pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. SA

bagong makasaysayang pagkapanalo na naitala ni Pinay tennis sensation na si Alex Eala sa Wimbledon Championships sa England.

Ito’y Matapos pataubin ni Eala ang Australian na si Maya Joint.

Si Eala ang unang pilipinong umabot sa ikatlong round ng anumang Grandslam event sa Open Era.

Sa isang social media post, sinabi ni Pangulong Marcos na ang tagumpay ni Eala ay “moment of national pride and inspiration for Filipinos.”

“There are days when an entire nation celebrates together. Today is one of those days,” ayon sa Pangulo.

“Congratulations, Alex Eala! You have become the first Filipino ever to reach the fourth round of Wimbledon, and the whole country couldn’t be prouder,” aniya pa rin.

Si Eala, kasalukuyang nasa ranked No. 29 sa buong mundo, naipagtanggol ang Wimbledon champion at sa world No. 3 Iga Swiatek ng Poland, 7-6(9), 6-2, sa kanilang third-round match, araw ng Sabado (London time), in-extend ang kanyang makasaysayang pagtakbo sa All England Club.

Inalala ng Pangulo ang kanyang mga naunang pahayag kay Eala, na ang breakthrough performances nito ay kumakatawan lamang sa pagsisimula ng kanyang journey.

“I said before that this was only the beginning. Watching you today, I couldn’t be more convinced. You’re just getting started,” ayon sa Pangulo.

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng Pangulo si Eala para sa pagbibigay inspirasyon sa mga kabataang filipino para ituloy ang kanilang pangarap.

“The whole Filipino nation is cheering you on. Thank you for showing young Filipinos that they, too, can dream big and reach the world’s biggest stage,” aniya pa rin.

“Keep going, Alex. We are behind you all the way. Laban!”ang sinabi ng Pangulo.

Si Eala ay isang Pilipinang propesyonal na manlalaro ng Tennis. Naabot niya ang pinakamataas na puwesto sa kanyang karera sa isahan (singles), bilang ika-29 sa mundo ayon sa WTA noong Marso 16, 2026, na naging dahilan upang siya ang pinakamataas na nirangguhang Pilipina sa kasaysayan ng Paligsahang WTA.

Samantala, susunod namang makahaharap ni Eala si ranked no. 13 Jasmine Paolini ng Italy, ang 2024 Wimbledon runner-up, sa fourth round. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here