Home NATIONWIDE PBBM nagpaabot ng panalangin sa mabilis na paggaling ni King Charles III...

PBBM nagpaabot ng panalangin sa mabilis na paggaling ni King Charles III sa kanser

MANILA, Philippines – IPINAHAYAG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pakikiisa ng Pilipinas sa United Kingdom sa pagdarasal para sa mabilis na paggaling ni King Charles III, kamakailan lamang ay na-diagnose na may isang uri ng kanser.

“Sending my heartfelt best wishes to King Charles and Queen Camilla. The Philippines is with the United Kingdom in praying for the King’s swift and full recovery,” ayon kay Pangulong Marcos.

Sa ulat, sinabi ng Buckingham Palace na ang kanser ay walang kinalaman sa treatment ni King Charles para sa isang benign prostate condition. Hindi rin nila sinabi kung ano’ng uri ng kanser mayroon ang 75 taong gulang na monarch.

Sinabi ng Palasyo na “isang hiwalay na isyu na nakakabahala ang nabanggit” nang ginamot si King Charles para sa enlarged prostate noong nakaraang buwan.

“Na-identify ng diagnostic tests ang isang uri ng kanser,” sabi nito.

“Ang kanyang kamahalan ngayong araw ay sinimulan ang nakaiskedyul na mga regualr na treatment, kung saan siya ay inabisuhan ng mga doktor na ipagpaliban ang mga tungkulin kung saan siya ay haharap sa publiko,” ayon sa Palasyo.

Sa panahon na ito, ang kanyang Kamahalan ay patuloy na magsasagawa ng State business at official paperwork gaya ng dati. Sabi pa nito na nananatili siyang positibo tungkol sa kanyang treatment at naglu-look forward sa pagbabalik sa full public duty sa lalong madaling panahon.

Dagdag pa ng palasyo na si King Charles “pinili na ibahagi ang kanyang diagnosis upang maiwasan ang spekulasyon at umaasa na makakatulong ito sa pag-unawa ng publiko para sa lahat ng tao sa buong mundo na apektado ng kanser.”

Si Charles ay naging Hari noong Setyembre 2022 nang pumanaw ang kanyang ina na si Queen Elizabeth II sa edad na 96.

Ang balita ukol sa diagnosis ni King Charles ay dumating habang ang kanyang manugang na si Catherine, Princess of Wales, ay nagpapagaling mula sa abdominal surgery kung saan siya ay naospital ng humigit-kumulang dalawang linggo.

Nagpadala ang mga pulitikal na lider ng U.K. ng mga mensahe ng suporta. Nag-tweet si Prime Minister Rishi Sunak:

“Wishing His Majesty a full and speedy recovery. I have no doubt he’ll be back to full strength in no time and I know the whole country will be wishing him well.”

Samantala, kabilang naman ang First Couple na sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa mga inimbitahan sa koronasyon ni King Charles III noong Mayo ng nakaraang taon. Kris Jose

Previous articleFlood victims sa Davao City inayudahan ni Duterte
Next articleAngara sa non-stop attack ng tuta ni Romualdez: ‘Wag bully’